Saturday, July 18, 2009

AKO NAMAN!!!

Ama, salamat po sa mga habilin niyo ah?
Na kahit mahirap pong intindihin, sinusunod ko pa din
Kahit hindi ko po alam ang patutunguhan, sige pa rin
Hindi naman po ako mapapahamak di po ba?

Ina, salamat po sa pag-aaruga ah?
Kahit pinapaiyak ko po kayo,
kahit lagi ko po kayong binibigyan ng sama ng loob,
Nandito kayo't inaalalayan pa din ako.

Ama, Ina, mahal ko po kayo
Napakaswerte ko po sa inyo
Di man po halata, bihira ko man pong iparamdam,
Mahal po kayo ng reklamadorang ito

Noong ako po'y isinilang,
Ako'y nabalot na po sa inyong pagmamahal niyo
Di niyo po ako pinabayaan,
Niyakap niyo po ako ng buong pagkatao.

Inaalagaan niyo po ako tuwing nagkakasakit,
Binibigay niyo po lahat ng luo't salapi
Pinapayuhan kapag may problema,
Dinadamayan kapag bumabagsak

Kapag ako po'y nakatapos sa kolehiyo,
Ako naman po ang magsisikap
Ako naman po ang magsasakripisyo,
Para po sa inyp, ama't ina.

At kung darating po ang panahon na kayo naman po ang magkakasakit,
kayo'y aking kukumutan at babantayan din
Kapag hindi na po kayo makakain,
Ako po ang magsusubo sa inyo, kagaya ng pagsubo niyo sa akin nung bata pa ako.

Kung may panahon na kayo po'y nalulumbay,
Huwag po kayong mag-alala, ako naman po ang magpapasaya sa inyo
Ibibigay ko po lahat ng makakaya ko para mapasaya ko po kayo
'Di ko po kayo pababayaan, mahal ko po kayo eh

Salamat mahal kong ama't ina
Umasa po kayo na sa pagtanda niyo,
Babaligtad ang ating mundo
Dahil panahon naman po para ako ang gumabay sa inyo.